Elder Morales letter below is all in tagalog and we apologize that we can't translate it all or at all! Lol! But fortunately, in miraculous way, the Lord also blessed us with understanding of the language. He is transferred and mentioned in his last email how he was not looking forward to the office especially doing what he's terrible at..finance but he does know its a blessing in disguise. Good luck reading.
Hello!!Ito ang first day ko sa office. Walang p-day para sa amin kasi kailangan namin na gawin ang mga errand para kay President Barrientos. Ang bagong kasama ko ay si Elder Wood. Napansin ko... kung ang e-mail ko ay sa Tagalog... paano makakaunawa ang tagapagbasa ng mga sulat ko? Siguro, kailangan nyo na isalin ang sulat ko. hehe. Itong linggo, pupunta kami sa Vigan. Sobrang excited ko. Mag-pipicture ako diyan. Siempre si mommy, gusto niya na makita ang mga picture.Ang darating linggo, may baguio. Kaya, walang trabaho sa sabado kasi sobrang lakas ang ulan at hangin. Hindi kaya magtrabaho. Kumakain kami sa lahat ng araw. Ang mga baguio ay hindi talagang scary. Kaya, don't worry. Kung may signal 2, huwag na magtrabaho daw. Pero, last week, gusto namin na magkaroon ng pagbibinyag sa dagat. Pero, yung baguio ay ang dahilan na walang baptism sa dagat. Sayang! Gusto ko talaga! Kasi walang dagat dito sa Laoag. Pero kung puwede, siempre, susubukan namin. Pero may isang pagbibinyag kahit may baguio. Exciting naman! Si Alexandra Litao ay nabinyagan. At pagkatapos ny pagbibinyag, kailangan ko na pumunta sa Laoag!Sinabi ni Elder Wood, mahirap na mabinyagan dito sa Laoag kasi parte ng area namin ay magiging sisters' area. At ang area nila ay sa centro! Ayos lang. We'll survive. Pero, ito ibig-sabihin na kailangan namin na mag-find palagi. Sana, hindi ako maghahanap para sa 9 months... Oo.. magiging bale 9 months dito sa office. Matagal talaga! Pero magiging masayan pa rin. Si President Barrientos ay nandito siya palagi. Kaya, I'll be with him palagi. Ginagawa nila ang mga activity sa p-day kasama ni President daw. At minsan, o palagi, (hindi ko alam talaga) nagpapakain sila sa amin. Suwerte naman! Blessings ng mga office elder! So ang mga bagong office Elders ay sina Elders Pincock at Bulseco!Hmm... wala talagang interesting last week except yung baguio. Magiging interesting this week dahil ng transfers. Ang daming misyonero itong transfer na papasok dito sa Laoag! Bale 25!Paki-sabi kay Jordan at Alex na mag-email sa akin! At ano ang balita sa tahanan? Anyways, good luck sa pagbabasa ng sulat ko. Ingat kayo lagi at mahal na mahal ko kayo!Elder Morales
No comments:
Post a Comment